Mga nanalong BSK officials sa Malabon, nanumpa na sa tungkulin ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinagawa na ngayong araw sa Malabon City ang Mass Oath Taking Ceremony para sa lahat ng nanalong Barangay at Sangguniang Kabataan Officials sa 21 barangay sa lungsod.

Pinangunahan ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang pormal na panunumpa sa tungkulin ng nasa higit 336 bagong halal na opisyal sa Malabon Sports Complex alas-7:30 ng umaga.

Bilang bagong halal na opisyal, sila ay nanumpa na tutuparin nila nang buong husay, katapatan at sa abot ng kanilang kakayahan ang mga tungkuling nakaatang sa kanilang katungkulan maging ang pagtataguyod at pagtatanggol ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Kaugnay nito pansamantalang isinara ang ilang bahagi ng mga kalsada sa C. Arellano, Sakristia, Leoño at Rizal Avenue upang magbigay daan sa isasagawang Flag Raising Ceremony ng lokal na pamahalaan at Mass Oath Taking Ceremony of Newly Elected Barangay and Sangguniang Kabataan Officials.

Dahil dito, magiging 2-way muna ang General Luna Avenue.

Lahat ng mga sasakyan na manggagaling ng C. Arellano papuntang Bayan Public Market ay inaabisuhang kumaliwa sa Sacristia Street, kumanan ng Gen. Luna Avenue patungong Leono Street.

Samantala, Ayon kay Malabon Admin Alex Rosete, una nang pinaasikaso ng Audit Committee ang maayos na transition sa bawat barangay.

Ang mga bagong halal naman na SK officials ay kailangan pang dumaan sa mandatory training bago umupo sa pwesto. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us