Mga negosyong sumusuporta sa priority programs ng QC gov’t, pagkakalooban ng tax incentive

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkakaroon na ng tax incentive ang mga negosyo sa Quezon City na makakatuwang ng pamahalaang lokal sa mga serbisyo lalo na para sa marginalized sectors.

Kasunod ito ng paglagda ni Mayor Joy Belmonte ng City Ordinance SP-3213, S-2023, na layong bigyan ng Tax Credit Certificate ang private donors na maaari nilang magamit sa business tax dues sa City Treasurer.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, layon nitong mapalakas ang pakikipag-partner ng LGU sa pribadong sektor upang mas maraming mahihirap na residente ang maabot ng serbisyo at programa ng lokal na pamahalaan.

“With this ordinance, we hope to strengthen our partnership with the private sector in uplifting the lives of our residents by providing them quality social services and programs, and at the same time foster a healthy business climate in QC,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Sa ilalim ng naturang ordinansa, ang mga makatatanggap ng Tax Credit Certificate ay mga negosyong magdo-donate ng asset o serbisyo sa LGU.

“Brand new assets or services to be valued at the rate of no more than 90 percent of the prevailing market price; or used assets in good working condition and not more than three years old, to be valued at the rate of no more than 90 percent of its depreciated remaining worth,” paliwanag ng alkalde.

Sa kasalukuyan, pinangungunahan ng City Treasurer’s Office (CTO) ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa agarang pagpapatupad ng tax incentive.

“We have been working hand-in-hand with businesses for years now. This ordinance is one of the city’s ways to recognize and commend them for helping and supporting the city attain its targets and priorities for QCitizens,” ani Belmonte. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us