Mga pag-uusap para mabuksan ang Rafah border crossing nagpapatuloy, ayon sa DFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Department of Foreign Affairs na nagpapatuloy ang mga pag-uusap para mabuksan ang Rafah border crossing.

Ang Rafah crossing ay nagko-konekta sa Gaza at Egypt.

Sa isang pulong balitaan sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega na hindi pa rin bukas ang Rafah crossing hanggang sa ngayon.

Ngayong araw sana inaasahang makalalabas ang unang batch ng mga Pilipinong naipit ng gulo sa Gaza.

Sa ngayon, sinabi ni De Vega na mayroong 46 na mga Pilipino ang nakahandang umuwi sa bansa anumang oras kapag nagbukas na ang Rafah crossing.

Mahigit 100 naman na mga Pilipino sa Gaza ang nagpalista na nais umuwi ng Pilipinas.

Ipinaliwanag naman ni De Vega na maraming dahilan kung bakit hindi pa rin binubuksan ang Rafah crossing, kabilang na rito na mayroon umanong ilang militanteng grupong Hamas ang nagpapanggap na sugatan at nais makalabas ng border. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us