Aabot sa 2,000 pamilya sa coastal barangays ng Bulan sa Sorsogon ang hinatiran na ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang mga nasabing pamilya ay apektado ng mga pagbaha na aabot na sa anim na araw dulot ng epekto ng shearline.
Pinagkalooban na ng 2,054 family food packs ang mga pamilya mula sa barangay San Rafael, Otavi at Butag sa bayan ng Bulan, Sorsogon.
Karamihan sa mga pamilya ay mga mangingisda ang hanapbuhay at lubha nang naapektuhan dahil sa masamang panahon.
Nauna nang pinagkalooban ng food at non-food relief items ang mga pamilya sa Uson, Masbate na apektado din ng sama ng panahon.
Kasalukuyan silang nanunuluyan sa evacuation centers sa munisipalidad ng Uson, Masbate. | ulat ni Rey Ferrer