Mga pamilyang nagpalipas ng gabi sa Himlayang Pilipino, mas kakaunti kumpara noong nakaraang Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas kakaunti ngayon ang nagovernight sa Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, Quezon City kumpara noong nakaraang taon.

Sa tala ng memorial park, mula sa higit 13,000 naitalang nagtungo sa sementeryo kahapon, mayroon lamang 327 ang nag-overnight na mas maliit daw kumpara noong nakaraang Undas.

Nakapanayam rin ng Radyo Pilipinas team ang isang pamilyang nag-overnight sa Himlayang Pilipino at napansin din ang mas kakaunting bilang ng nagpalipas ng gabi sa sementeryo.

Ayon kay Mang Ricky, tradisyon na nila ang magpalipas ng gabi sa memorial park tuwing Undas para alalahanin ang yumaong mahal sa buhay.

Kumpleto naman ito sa mga kagamitan na may bitbit na tent, malaking payong, mga upuan at may baon pang adobo.

Sa mga oras na ito, tahimik ang sitwasyon sa loob ng sementeryo at nagsisimula pa lang magligpit na ang ilang pamilyang nag-overnight.

May maaga ring deployment ng AFP at PCG na siyang security augmentation sa loob ng sementeryo.

May mahinang ulan din ang pumapatak ngayong umaga sa sementeryo.

Inaasahan naman ng pamunuan ng Memorial Park na mas marami pa ang bibisita sa sementeryo ngayong All Saint’s Day.

Samantala, todo kayod na rin ang ilang mga nagtitinda ng bulaklak malapit sa bungad ng Himlayang Pilipino na 24-oras na ring nagbukas ng tindahan.

Sa ngayon, naglalaro ang presyo ng mga flower arrangement sa ₱150-₱500 depende sa laki at bulaklak. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us