Mga “sabit” na pasahero sa pampublikong sasakyan, ipagbabawal na sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan na ang ordinansa ng Konseho ng Maynila na nagbabawal sa mga pasahero ng jeep at iba pang pampublikong sasakyan ang nakasabit.

Ang City Ordinance 9003 o Bawal-sabit on public utility vehicle ordinance, ay inihain ni Manila First District Councilor Martin “Marjun” Isidro, Jr. noong Nobyembre 9, 2023 at agad itong pinagtibay ng Konseho kahapon.

Sa ilalim ng ordinansa, mahigpit nang ipinagbabawal ang pagsabit ng mga pasahero sa mga tricycle, jeepney, at katulad na sasakyan na lagpas sa seating capacity.

Tanging lagda na lamang ni Mayor Honey Lacuna at paglalathala sa dalawang pahayagaan ang kailangan ng lokal na sirkulasyon, para maging epektibo ang ordinansa makalipas ang 15 araw.

Kasama rin sa mga ipinagbabawal ay ang paghawak ng mga nakabisikleta o rollerblades sa mga jeep para mabilis silang nahahatak.

Papatawan ng ₱500 multa ang mga lalabag na driver, konduktor, at pasahero sa unang paglabag; habang ₱1,500 sa ikalawang paglabag; at ₱3,000 para sa ikatlong paglabag at posibleng makulong ng hindi lalagpas sa isang buwan. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us