Mga sementeryo sa QC, patuloy na dinadagsa ngayong ‘All Souls Day’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy pa rin ang dating ng mga bisita sa iba’t ibang sementeryo sa Quezon City.

Sa monitoring ng QCPD, as of 9 am, may 8,248 ang naitalang bumisita sa limang sementeryo sa lungsod.

Pinakamarami ang nagtungo ngayong umaga sa Himlayang Pilipino na umabot sa 3,000.

Higit 2,000 naman ang naitalang bisita sa Holy Cross Cemetery at Bagbag Public Cemetery na kapwa nasa Novaliches.

May halos 500 rin ang dumalaw sa Novaliches Cemetery habang 340 naman sa Recuerdo Cemetery.

Nananatili namang maayos ang lagay ng seguridad sa mga naturang sementeryo.

Maging ang lagay ng trapiko ay maluwag din sa mga oras na ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us