Nagbigay babala ang Manila International Airport Authority o MIAA sa publiko ukol sa mga kumakalat na fake accounts sa social media na nagsusubasta ng mga naiwang bagahe sa paliparan.
Ayon kay MIAA General Manager na disamayado ito sa mga kumakalat na balita na nagbebenta ang MIAA ng mga bagaheng nawawala.
Dagdag pa ni Co, na dumadaaan sa masusing security measures ang mga bagahe mula sa mga airline companies at kapag naiiwan ito at nasa lost and found area ay patuloy paring binabantayan ng MIAA ang naturang mga bagahe.
Saad pa ni Co, na huwag maniwala sa mga kumakalat sa social media at maging mapanuri ang publiko sa mga kumakalat na balita mula kanilang tangapan.
Samantala nanawagan naman ang MIAA sa publiko na tigilan na ang pagpapakalat ng balita upang makaiwas sa maling impormasyon. | ulat ni AJ Ignacio