MIAA, pinaalis na ang mga iligal na nakatira sa abandonadong Philippine Village Hotel sa tabi ng NAIA Terminal 2

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuluyan nang ipinatupad ng Manila International Airport Authority ang pagpapaalis sa mga security na nasa loob ng Philippine Village Hotel sa tabi ng NAIA Terminal 2.

Ang notice to vacate ay para sa mga iligal na nakatira sa loob ng Philippine Village Hotel. Ayon kay Pasay City RTC Branch 45 Sheriff Randy Leviste na kailangan nang linasin ng ilang mga nakatirang security personnel ang nasabing compound.

Ilang dekada nang sarado at abandonado ang naturang gusali na dating isang sikat na hotel.

Ayon sa MIAA, ang hakbang ay may layuning matiyak na hindi magiging staging point ng mga masasamang elemento ang lugar na posibleng magdudulot ng panganib sa kaligtasan at seguridad ng paliparan.

Matatandaan na una nang sumulat si MIAA Officer-in-Charge Bryan Co kay Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano na nagsasaad ng mga alalahanin sa seguridad tungkol sa ari-arian.

Ayon kay Co, dahil sa abandonang lugar at gusali posibleng malagay sa kompromiso ang seguridad, na magiging dahilan upang makapasok ang vandalism at iba pang criminal activities. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us