MIAA, planong gawing expansion ng NAIA terminal 2 ang isang abandondadong hotel sa Pasay City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ng Manila International Airport Authority na gawing expansion ang dating Philippine Village Hotel na maging expansion ng NAIA Terminal 2 para sa modernization ng naturang paliparan.

Ito’y sa kabila ng pag-iisyu ng notice to vacate sa mga iligal na nanirahan sa loob ng naturang compound.

Ayon kay MIAA General Manager Brian Co na ito’y nakapaloob na sa kanilang pag-aaring lupa at bahagi na ito ng gagawing expansion ng NAIA Terminal 2 dito itatayo ang karagdagang boarding area ng nasabing terminal upang tumaas pa ang passenger capacity ng naturang paliparan.

Isa rin sa pagnanais ng MIAA na makuha na ang naturang compound ay malagyan na ng airport police ang nasabing compound upang hindi magamit sa mga banta sa seguridad at krimen. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us