Miyembro ng I-ACT na tumanggi sa suhol ng isang motoristang nahuling dumaan sa EDSA Busway, pinapurihan ng DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Department of Transportation ang publiko na seryoso ito sa pagpapatupad ng mga batas trapiko kaya’t huwag nang tangkaing dagdagan pa ang kanilang paglabag.

Ito’y makaraang manindigan ang isang miyembro ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na papanagutin ang isang motorista na nagtangkang manuhol sa kaniya dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA busway.

Sa kuha ng bodycam ng I-ACT officer na si Jennifer Salen, kitang-kita ang tangkang panunuhol ng motoristang kaniyang hinuli matapos makipagtalo at tumangging ibigay ang kopya ng OR/CR para matiketan.

Pinuri naman ni Transportation Sec. Jaime Bautista ang ginawang katapatan ni Salen dahil sa pagpapakita nito ng integridad sa gitna ng panunubok sa kaniya ng motorista.

Batay sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, aabot sa 214 ang kanilang nahuli kahapon, Nobyembre 15 kung saan 131 rito ang motorsiklo habang 83 ang 4-wheeled vehicles. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us