MMDA, iimbestigahan ang insidente ng pagkakahuli sa sasakyan ng ilang mambabatas na dumaan sa EDSA Busway

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniimbestighan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagkakadawit ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., kaninang umaga.

Ito ay makaraang mahuli ng mga tauhan ng MMDA ang sasakyan umano ni Revilla na iligal na dumaan sa EDSA Busway, kung saan sinasabing nakita umanong sakay ang Senador.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, ikinagulat niya kung bakit nadawit ang pangalan ni Revilla gayung 8 at hindi 7 ang plate number ng nahuhuling sasakyang sinasabing pagmamay-ari ng Senador.

Una nang itinanggi ni Revilla ang naturang ulat, sabay paggigiit na hindi siya dumaan sa busway noong oras na sinasabing nahuli ang kaniyang sasakyan.

Gayunman, humingi ng paumanhin si Artes kay Revilla sa anumang abalang idinulot nito sa kaniya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us