MRT-3, pansamantalang nilimitahan ang operasyon ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 kasunod ng ipinatupad na provisional service mula North Avenue Station patungong Shaw Boulevard Station kaninang umaga.

Paliwanag ng MRT-3, nagkaroon ng obstruction sa footbridge sa pagitan ng Magallanes at Taft Stations na napaulat sa MRT-3 Control Center kaninang mag-aalas-7 ng umaga.

Para sa kaligtasan ng mga pasahero, kinailangan aniyang limitahan muna ang operasyon ng tren simula kaninang 7:13 ng umaga.

Agad naman itong nagpadala ng technical team para tanggalin ang nakaharang sa footbridge.

Bandang alas-8:10 ng umaga, naisaayos na ang aberya at balik normal na rin ang operasyon ng tren.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us