Muslim-friendly at Halal tourism, pinapaigting ngayon ng Department of Tourism

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagsusumikapan ng Department of Tourism o DOT na maging Muslim Friendly ang tourism industry sa bansa lalo maraming mga turista mula sa mga bansang Muslim ang nagtutungo at bumibisita sa Pilipinas.

Pagbabahagi ni Usec. Myra Valderrosa Abubakar, maari nang mabisita ngayon ng mga turistang Muslim, mapa-lokal man o mula sa labas ng bansa ang kanilang website upang makita ang mga Halal certified kitchen at mga Muslim-friendly establishment ngayon na umarangkada na ang kanilang inisiyatibo na maging bukas para sa lahat ang tourism industry sa bansa.

Hinihikayat nila aniya ang mga establisyimento sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas – sa Luzon, Visayas at Mindanao na magkaroon at sumunod sa mga panuntunan upang maging isang Muslim-friendly establishment.

Kabilang sa mga guidelines na ito ani Abubakar ang pagkakaroon ng “qibla’ sign” sa loob ng kwarto ng mga hotel, pagkakaroon ng malinis na tubig at pag-alis ng mini bar at alcoholic beverages sa loob ng hotel.

Dagdag pa ni Abubakar marami ng mga kainan sa National Capital Region ang nabigyan ng Halal certification sa tulong ng kanilang certifying body, halimbawa na aniya ang ilang restaurant sa Manila Peninsula, Dusit Thani Manila at Berjaya Makati, Hotel na kilala din sa kanilang mga mediterranean at Malaysian cousine.

“Halal is not just for Muslim” ito ang pagbabahagi ni Abubakar at panghihikayat din sa iba na maging isang Muslim-friendly establishment, bahagi ng pagiging certified Halal aniya ay ang malinis na paghahanda at pagkatay ng mga rekados ng pagkain na inihahain sa mga bisita. | ulat ni Eloiza Mohammad | RP Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us