Napaabutan ng livelihood assistance program ang 20 small business owners ng Las Piñas City, kamakailan.
Sa pamamagitan ito ng livelihood assistance program for micro and small enterprises na ikinasa ni Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar.
Aniya, mahalagang suportahan ang mga maliliit na negosyo dahil sa kanilang ambag para mapa-angat ang ekonomiya ng bansa.
“Nagpapasalamat po tayo sa ating mga small business owners sa kanilang ambag sa pagpapa-angat sa ating ekonomiya. Hangad ng ating livelihood assistance program na matulungan kayo sa inyong pang-araw-araw na negosyo,” saad ni Villar.
Pagbabahagi pa nito, na aktibong naglalatag ng lehislasyon ang Kamara para taasan ang government assistance sa MSMEs pati ang panukala na ituro din ang entrepreneurship sa mga kabataan, sa pamamagitan ng pagpasok nito sa K-12 program. | ulat ni Kathleen Forbes