Natulungan sa “Balik Sigla, Bigay Saya” Nationwide Gift-Giving Activity sa Cagayan, nasa halos 50 kabataan at kababaihan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Halos 50 kabataaan at kababaihang nasa pangangalaga ng Centers and Residential Care Facilities (CRCFs) sa Cagayan ang benepisyaryo sa Nationwide Gift-Giving Day kahapon, Nobyembre 26, 2023.

Sa aktibidad na tinawag na “Balik Sigla, Bigay Saya” ay pinangunahan ng Office of the President, sa pamamagitan ng Social Secretary’s Office, sa pagsisikap na makapagsagawa ng makabuluhang gift-giving at community engagement.

Natulungan sa aktibidad ang siyam na residente ng Cagayan Valley Regional Rehabilitation Center for Youth sa Enrile, habang 12 sa Reception and Study Center for Children, at 26 naman sa Regional Haven for Women and Girls na matatagpuan sa bayan ng Solana.

Maalalang binuksan ang aktibidad sa Malacañang Grounds na pinangunahan mismo nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Personal namang dinaluhan ni Regional Director Lucia Alan ang pamamahagi ng regalo sa tatlong CRCFs sa lalawigan. | ulat ni April Salucon-Racho | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us