OFW party-list, nangako na tutulong sa reintegration program ng mga OFW na uuwi mula Israel at Gaza

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na susuporta ang OFW party-list para sa mga overseas filipino workers na magbabalik bansa mula Israel at Gaza.

Ayon kay OFW party-list Rep. Marissa Magsino, isa sa kanilang tulong ay ang reintegration program para sa mga repatriated OFW.

Maliban dito, nagpapaabot din sila ng financial assistance sa mga repatriated OFWs at tumutulong din na maipasok sa scholarship program ang kanilang mga anak kung mayroon man.

Hanggang nitong October 30, nasa 119 OFWs na ang nakauwi ng bansa mula Israel.

Inaasahan na ngayong hapon naman ay mayroong 20 Filipino nationals mula Gaza ang uuwi ng bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us