P2.1- na halaga ng marijuana, sinunog ng mga awtoridad sa La Union

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binunot at sinunog ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad ang P2.1 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang ‘eradication operation’ sa Sitio Nakawa, Barangay Lon-oy, San Gabriel, La Union noong Nobyembre 7, 2023.

Ayon kay PDEA Region 1 Regional Director Joel B. Plaza, aabot sa halos 10,500 piraso ng marijuana seedlings at 8,500 piraso ng fully grown marijuana plants ang binunot mula sa apat na plantasyon na mayroong kabuuang land area na 1,950 square meters.

Sinira at sinunog ng mga awtoridad ang mga marijuana sa mismong plantasyon.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 laban sa pinaghihinalaang marijuana cultivator na nakatakas habang isinasagawa ang operasyon.

Nagtulong-tulong sa operasyon ang PDEA Regional Office I (PDEA RO I), La Union Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit (LUPPO-PDEU), LUPPO-Provincial Intelligence Unit (ISPPO-PIU), 1st La Union Provincial Mobile Force Company (1st LUPMFC), at San Gabriel Police Station.| ulat ni Glenda B. Sarac, RP1 Agoo. | ulat ni Glenda Sarac | RP Agoo

📷: PDEA Region 1

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us