Welcome para kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang naitalang pagbaba sa inflation rate ng bansa nitong Oktubre.
Ayon sa House tax chief, ilan sa mga nakatulong sa pagbaba nito ay ang mas mababang inflation rate ng mais at karne na nasa negative 2.4% at 0.8%; unti-unting pagbaba ng presyo ng krudo kada bariles mula US$90 na ngayon ay nasa US$80 na lang; at ang negative inflation sa kuryente, gas at fuel.
Patuloy naman aniyang dapat bantayan ang food inflation na bagamat bumaba ay mataas pa rin ang numero, harina na may 7.4% inflation level at bigas na kahit nag-normalize na aniya ay mananatiling mataas hanggang 2024.
Kumpiyansa naman si Salceda, na ang karanasan ng bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Secretary Frankie Tiu Laurel ay makatutulong din sa pagpapababa ng inflation.
Malaking bagay aniya, na ang pinanggalingang sektor ng kalihim ay nakatutok sa pamumuhunan sa food at agricultural infrastructure.
“I welcome the appointment of a new DA chief in Secretary Frankie Tiu-Laurel, whose family is an old friend of mine from my days in the financing sector. The appointment bodes well for fighting inflation…The Secretary knows very well that food and agricultural expansion require investment, modernization, and above all, private sector initiative. I thus expect a very strong shift in this direction when it comes to agricultural policy…Secretary Tiu-Laurel also has a strong handle on the intersection of food and energy, two key drivers of inflation.” Ani Salceda | ulat ni Kathleen Forbes