Pagbabantay ng QCPD sa mga sementeryo, mananatili hanggang sa weekend

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Quezon City Police District (QCPD) na tatagal hanggang weekend ang kanilang pagbabantay sa mga sementeryo sa buong lungsod.

Ayon kay QCPD Chief Police Brigadier General Red Maranan, mananatiling full deployment ang QCPD hanggang ngayong All Souls’ Day habang skeletal naman ang ipatutupad hanggang sa weekend.

Ito aniya ay upang masiguro na matututukan pa rin ang seguridad sa mga sementeryo sa lungsod kahit sa mga hahabol na bibisita rito.

Dagdag pa nito, mananatili ring nakaagapay ang mga Police Assistance Desk para sa mga dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Una nang nag-ikot sa mga sementeryo, terminal, at mga parke si Brig. Gen. Maranan kahapon upang i-monitor ang mga ipinatutupad na security measures.

Sa inisyal na assessment ng QCPD kagabi, nananatiling mapayapa at walang naitalang anumang untoward incident sa mga sementeryo at kolumbaryo sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us