Pagbagal ng inflation, posibleng magpatuloy sa mga susunod na buwan — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

May posibilidad na magtuloy-tuloy ang pagbagal ng inflation o ang galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa mga susunod na buwan.

Kasunod ito ng iniulat ng PSA na bumagal sa 4.9% ang inflation sa bansa mula sa 6.1% na mas mababa pa sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon kay PSA Chief at National Statistician Usec. Dennis Mapa, kung hindi magkakaroon ng “supply shock” na maaaring makaapekto sa presyo ng mga pangunahing produkto sa bansa, maaaring maging pababa ang trend ng inflation sa buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Tinukoy rin ng PSA ang nakikitang pagbagal sa rice inflation na malaki ang epekto sa overall inflation sa bansa. Katunayan, bumagal sa 13.2% ang rice inflation nitong Oktubre kumpara sa 17.9% Noong setyembre.

Bukod sa bigas, 8 rin sa 13 commodity group ang nakitaan ng pagbagal sa inflation nitong Oktubre.

Sa ngayon, ang average inflation mula Enero hanggang Oktubre sa bansa ay nasa antas na 6.4%. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us