Pagbibigay ng relief assistance sa mga biktima ng pagbaha sa Samar, pinamamadali ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng kinauukulang tanggapan ng pamahalaan na bilisan ang relief operations at iba pang assistance sa mga biktima ng pagbaha at pag-ulan sa Northern at Easter Samar.

Sa situation briefing na pinangunahan ng Pangulo ngayong araw sa Tacloban City, pinatitiyak nito sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na madadaanan ang lahat ng kalsada, para sa mas mabilis na pagdadala at pamamahagi ng food packs at relief goods sa mga biktima.

“The public works – as soon as the public works is able to enter, do the necessary repairs so that bigger vehicles can enter – as soon as it’s passable all efforts can go in and do the repairs necessary,” —Pangulong Marcos.

Pinasisiguro rin ng Pangulo na lahat ng nasa evacuation centers, maging ang mga residente na piniling manatili sa bahay o makituloy sa kaanak, ay makatatanggap ng tulong.

“We are doing everything that we can. But let’s work with those who are in the evacuation centers – pati na ‘yung mg nasa bahay pa … we have to go and make sure that they get the food packs, they get sufficient water supply,” —Pangulong Marcos. 

Ayon sa DSWD, nasa higit 100,000 food packs na ang kanilang naihanda para sa mga apektadong pamilya sa Eastern at Northern Samar.

Isinasapinal na lamang rin anila ang listahan ng mga apektadong pamilya at indibidwal na ang mga bahay ay nasira dahil sa pag-ulan at pagbaha, na siyang magsisilbing basehan sa financial assistance na ipagkakaloob ng gobyerno.

Sabi pa ni Pangulong Marcos, ang Department of Agriculture (DA) naman ay magkakaloob ng kinakailangang assistance at iba pang agri products para sa mga apektadong pamilya. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us