Panibagong pinto para sa kolaborasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan ang inaasahang mabubuksan sa 2-day official visit ni Japan Prime Minister Fumio Kishida sa bansa, kabilang na ang pagharap nito sa Joint Special Session ng Kongreso sa November 4.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang magiging pagbisita ni Kishida at asawa nito na si Yuko kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ay isang significant milestone sa pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at Japan.
“This visit, symbolizing the deep and longstanding bond our nations have forged, built on mutual respect, shared values, and a unified vision for peace, stability, and prosperity in the Asia-Pacific region, signifies the strength of our bilateral ties.” saad ni Speaker Romualdez.
“We are optimistic that through our discussions, new pathways for collaboration and development will emerge, promising enhanced opportunities and a brighter future for all Filipinos, here and in Japan.” dagdag ng House leader.
Malaking karangalan din ani Romualdez na ang Kamara ang magsisilbing host sa makasaysayang pagharap ng Japanese Prime Minister sa Kongreso.
“It is with great anticipation that we look forward to his address to the Congress of the Republic of the Philippines in a Special Joint Session on November 4, 2023, at 11:00 in the morning. The House of Representatives, as the honored venue host of this significant event in the Batasang Pambansa Complex, is committed to exerting all efforts to ensure that Prime Minister Kishida’s visit is both fruitful and memorable.” sabi ni Romualdez.
Inaasahan ng House leader na matalakay ang maraming paksa para sa pinaigting na bilateral relations ng dalawang bansa, pandaigdigang kapayapaan at kasaganaan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes