Pagbubukas ng “National Consciousness Week Against Counterfiet Medicine” pinangunahan ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang pagbubukas ng “National Consciousness Week Against Counterfeit Medicine 2023”.

Kasama ng PNP Chief sa opening ceremony ngayong umaga sa Camp Crame si Food and Drug Administration (FDA) Director General Dr. Samuel A. Zacate.

Nagpasalamat si Gen. Acorda kay Dr. Zacate, na aniya’y malaki ang naiambag sa kampanya laban sa pekeng gamot dahil sa kanyang adbokasiya.

Binigyang diin ni Acorda na malaking banta sa kalusugan at kaligtasan ng publiko ang mga pekeng gamot at nakakasira ng pagtitiwala sa healthcare system.

Bilang pakikiisa sa okasyon, sinabi ni Gen. Acorda na sa buong linggo ay makikilahok ang PNP sa mga aktibidad na naglalayong mapalawak ang kamalayan ng publiko, at mapalakas ang kampanya laban sa mga gumagawa at nagpapakalat ng pekeng gamot. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us