Ipinagpaliban ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagdinig sa petisyon na P5 fare increase na hiling ng ilang jeepney transport group.
Wala pang itinakdang petsa ang LTFRB kung kailan ang susunod na pagdinig.
Matatandaang naghain ng petisyon sa LTFRB para sa P 5 fare increase ang Pasang Masda, ACTO, at ALTODAP.
Nais ng mga jeepney operator na itaas ang base fare mula sa P12 hanggang P17 para sa unang apat na kilometro.
Hinihiling din nila na itaas sa P2.80 ang bawat susunod na kilometro.
Pero hindi pa ito inaprubahan ng LTFRB dahil sasailalim pa sa pag-aaral.
Sa halip, ang inaprubahan ay ang provisional fare hike na P1. | ulat ni Rey Ferrer