Pagkakaroon ng permanent secretariat ng Asia Pacific Parliamentary Forum, posibleng maisapinal sa susunod na pulong sa 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang pagtanggap ng mga delegado ng Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) sa proposal ng Pilipinas na magkaroon ng isang permanenteng secretariat ang APPF.

Sa katatapos lang na pulong ng mga legislators sa Asia Pacific itinulak ni Speaker Martin Romualdez ang pagkakaroon ng permanent secretariat gaya ng sa ASEAN para aniya sa stability.

Katunayan, in-offer aniya niya bilang co-chair ng 31st APPF ngayon taon, na ang Pilipinas ang magsilbing pansamantalang lugar kung saan itatayo ang secretariat habang hindi pa naisasapinal.

“Habang hindi pa nakaka-decide kung saan talaga gagawin, ay tayo ang nagpo-propose ‘di ba para may stability.. Kaya kagaya ng ASEAN, may headquarters sila sa Jakarta. So ino-offer din natin habang hindi pa naka-decide, habang dini-decide kung pwede tayo dito sa Pilipinas mag-host ng permanent secretariat para may stability at continuity,” sabi ni Speaker.

Posible naman aniya na sa susunod na pulong ng APPF ay maisapinal ang plano.

“Mukhang open naman sila pero we have to decide na formal kasi medyo siningit lang din natin ‘yun.. Kaya ‘yun talaga ang gusto din natin kasi si Chairman dito ang nag-host… Dapat mayroong konting balik naman, konting karangalan na dapat ay manatili dito sa ating bansa,” dagdag ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us