Plano ng Department of Agriculture (DA) na palakasin pa ang produksyon ng niyog sa bansa sa pamamagitan ng malawakang pagtatanim.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., malaking pakinabang sa mga coconut farmer ang paglago ng produksyon at mapalakas pa ang export ng agricultural products sa ibang bansa.
Aniya, kailangan ng bansa ngayon na mapalakas ang produksyon, at pagpaparami ng coconut hybrids at iba pang kauri nito.
Sinabi pa ng kalihim, na ang Pilipinas ang pinakamalaking producer ng niyog kasunod ang Indonesia na top exporter sa buong mundo.
Aabot sa 3.5 milyon ang nagtatanim at nag-aalaga ng niyog sa buong bansa.
Ang Pilipinas ay may 3.6 na milyong ektarya ng coconut plantation.
Kabilang sa mga top export ng produkto na galing sa niyog ay ang crude at refined coconut oil,
desiccated coconut, copra meat at coconut water. | ulat ni Rey Ferrer