Pagpapasinaya ng pinakamalaking EDCA project sa bansa, pinangunahan ni DND Sec. Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at US Deputy Chief of Mission to the Philippines Robert Ewing ang Dedication Ceremony ng bagong-kumpuning Basa Airbase Runway, sa Floridablanca, Pampanga kahapon.

Ang ₱1.3-bilyong pisong proyekto ang pinakamalaking Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) project sa bansa.

Kabilang sa mga natatanging panauhin sa aktibidad sina Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., Philippine Air Force Chief, Lieutenant General Stephen Parreño, at US 7th Air Force, Pacific Air Forces Commander Lieutenant General Scott Pleus.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, ang rehabilitasyon ng naturang runway ay nakumpleto ng wala pang isang taon.

Dahil aniya sa pinatatag na konkreto at istruktura, maari nang gamitin ang runway ng mabibigat na eroplano tulad ng Cargo planes ng PAF.

Mas ligtas na rin aniya ang runway para sa pagsasanay at operasyon ng mga eroplano, lalo na sa panahon ng kalamidad.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PAF

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us