Naghatid na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isang pamilyang nakatira sa kariton at nanlilimos sa Quezon City.
Ayon sa DSWD, agad na inatasan ni Sec. Gatchalian ang Oplan Pag-Abot team para maabot ang pamilya na mag-iisang buwan nang namamalimos sa Araneta Avenue sa Quezon City sa ilalim ng Skyway.
Matapos ang profiling sa pamilya, dinala ang mga ito sa Jose Fabella Center na isa sa mga DSWD-run Centers and Residential Care Facilities (CRCF) para sa temporary shelter.
Habang nasa CRCF, ongoing na rin aniya ang assessment sa pamilya para maibigay ang kinakailangang tulong at suporta.
Una nang iniulat ng DSWD na umabot na sa higit 1,200 na individuals in street stituations ang naabot na ng tulong ng kagawaran.
Mula sa bilang na ito, 751 ang naalis na aniya sa lansangan kasama ang nasa halos 100 miyembro ng IPs na nabigyan ng iba’t ibang tulong kabilang ang Balik Probinsya at Assistance to Individuals in Crisis Situation. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD