Panukalang legislated wage hike para sa lahat ng mga manggagawa sa bansa, target mailatag sa Senate plenary bago mag-Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maipipresinta na sa plenaryo ng Senado ang panukalang legislated wage hike bago ang Christmas break ang Kongreso.

Ayon kay Zubiri, tiniyak na ito sa kanya ni Senate Committee on Labor Chairperson Senador Jinggoy Estrada.

Sinabi ng Senate leader, na ang panukalang ito ay maaaring maging Christmas gift para sa mga manggagawang Pilipino.

Matatandaang si Zubiri mismo ang naghain ng panukalang magkaroon ng P150 across the board wage increase para sa lahat ng mga manggagawa sa buong bansa.

Samantala, kasabay naman ng ginawang Christmas lighting ceremony kagabi ay inanunsiyo ng Senate President na magkakaroon ng ‘generous Christmas bonus’ ang mga empleyado ng senado.

Ito ay bilang pagkilala aniya sa dedikasyon at pagseserbisyo ng senate employees sa nakalipas na taon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us