Pasig LGU, nagsimula nang mamahagi ng noche buena gift packs sa kanilang mga residente

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ang pamamahagi ng Pamaskong Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa kanilang mga residente.

Target ng Pasig LGU na mabahagian ng Noche Buena items ang may 450,000 pamilyang Pasigueño.

Paalala naman sa mga residente ng lungsod, bahay-bahay ang gagawing distribusyon para mas organisado.

Kinakailangan lang magpresenta ng isang pamilya ng isang PasigPass QR Code na katumbas ng isang Pamaskong Handog.

Kung may tatlong pamilya naman halimbawa sa isang bahay, tatlong PasigPass QR code ang kailangan ipa-scan, at tatlong Pamaskong handog packs ang matatanggap.

Maliban sa QR code kinakailangan ding magpakita ng katibayan na sila’y benepisyaryo.

Araw-araw ang posting ng schedule na iikutan ng distribution team

Samantala, nilinaw ng Pasig LGU na hindi pa kasama sa schedule ng distribution ang mga condominium.

Nakikipag-ugnayan pa kasi ang Pamaskong Handog Team sa condominium administrators. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us