Nagsimula na “peace and development training” ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Cordillera.
Ang 12-araw na pagsasanay na nilahukan ng tig-isang company mula sa AFP at PNP, ay para mapalakas ang kapabilidad ng mga pulis at sundalo sa pagsulong ng kapayapaan, seguridad at kaunlaran sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Ang opening Ceremony ay isinagawa nitong Biyernes sa Police Regional Office Cordillera (PROCOR) sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.
Ayon kay AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lt. Gen. Fernyl Buca, ang sabayang pagsasanay ay magpapalakas ng kapabilidad ng mga Community Support Program team sa rehiyon.
Tiniyak naman ni PROCOR Deputy Regional Director for Operations PCOL Elmer E Ragay, ang kanilang buong suporta sa programa, at sinabing kailangan ang “coordinated approach” sa pagtugon sa “Security challenges” sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne