Philippine Coast Guard, patuloy sa rescue operation sa mga binahang residente sa Northern Samar 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy ang ginagawang rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga residente ng Catarman Northern Samar, ngayong hapon. 

Sa report na nakarating sa National Headquarters ng PCG, mula pa kaninang umaga ang ginagawang rescue operation ng kanilang mga tauhan matapos umabot ng hanggang bubungan ang antas ng tubig. 

Nakatutok ang rescue operation ng PCG sa Catarman Northern Samar kung saan aabot na sa mahigit 10 pamilya ang kanilang nailikas. 

Kaninang umaga, nasa tatlong pamilya ang nailikas ng PCG matapos ang matagumpay nilang operation. 

Pahirapan sa rescuers ang malakas na agos ng tubig baha sa ilang kabahayan sa Northern Samar. 

Bukod sa PCG, nagsasagawa na rin ng sarili nilang tulong ang mga kawani ng Northern Samar PDRRMO, mga lokal na pamahalaan, Philippine Army at maraming iba pa. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us