Pilipinas, inaasahang mapapasama sa best performing economies in Asia ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Finance Secretary Benjamin Diokno na on-track ang Pilipinas sa Medium-Term Fiscal Framework, at inaasahang mapapabilang sa highest performing economies in Asia sa 2023.

Ayon kay Diokno, ito ay dahil sa mataas na revenue collection ng taon, ipinatutupad na catch up plan ng government agencies, at pinaghusay na government spending ngayong fourth quarter.

Paliwanag ni Diokno, inaasahan ng economic managers ang mabilis na pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng gobyerno sa imprastruktura, transport, labor and employment, social protection at education.

Aniya, positibo sila na makakamit ang growth targets na itinakda sa medium-term fiscal framework partikular ang debt-to-GDP, at deficit-to-GDP ratio.

Base sa World Bank October 2023 economic update, pangungunahan ng Pilipinas ang paglago sa East Asia and the Pacific, na may 5.6 growth forecast. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us