Nakahanda na ang Pamunuan ng Paranaque Integraded Terminal Exchange (PITX) sa inaasahang dagdsa ng mga magsisibalik-Maynila ngayong weekend dahil balik trabaho na ang mga ito sa darating na Lunes.
Kaugnay nito, nasa mahigit isang milyong pasahero ang naserbisyuhan ng PITX mula noong October 26 at posibleng madagdagan pa ito pagsapit ng weekend.
Samantala, nananatiling normal ang sitwayson sa loob ng PITX. Nasa mahigit 50,000 ang total foot traffic sa PITX as of 11am at patuloy n nadaragdagan. | ulat ni AJ Ignacio