PNP Chief Benjamin Acorda Jr., nakatakdang gawaran ng parangal ng PMA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kulang isang buwan bago ang kanyang pagreretiro, nakatakdang bigyan ng parangal ng Philippine Military Academy (PMA) si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr.

Ito ay sa pamamagitan ng gagawing testimonial review and parade ng PMA para sa alumnus nito na malapit nang magtapos ang serbisyo sa bayan.

Gagawin ang Testimonial Parade and Review sa Borromeo Field ng PMA sa Fort Gregorio del Pilar sa Baguio City bukas, Nobyembre 11.

Dito, nakatakdang magbigay pugay si Acorda sa kaniyang alma mater at hikayatin ang mga kadete ng PMA na ipagpatuloy ang pagtataguyod sa kahalagahan ng katapangan, integridad at katapatan na siyang misyon at pananaw ng akademiya.

Si Acorda ay bahagi ng PMA Sambisig Class of 1991 at siya ngayon ay muling haharap sa kanilang sintang paaralan bilang ika-29 na pinuno ng Pambansang Pulisya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us