Police Major at 3 iba pa, inireklamo sa pagdukot ng nawawalang Batangas beauty queen

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinainan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng reklamong kidnapping and serious illegal detention ang isang police major at tatlong iba pa, kaugnay ng pagkawala ng Batangas beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, inihain ng CIDG Regional Field Unit (RFU) 4 ang reklamo sa Office of the Batangas Provincial Prosecutor laban kina Police Major Allan Avena de Castro, Mr. Jeoffrey Ariola Magpantay at dalawang John DOE.

Ayon kay Fajardo, si de Castro ang umano’y katagpuan ni Camilon bago siya iniulat na nawawala base sa mga text message ng beauty queen sa kanyang kaibigan.

Si Maj. De Castro ay una nang ni-relieve sa kanyang tungkulin sa Police Regional Office (PRO) Calabarzon at isinailalim sa restrictive custody.

Sinabi naman ni Fajardo, na si Magpantay ang kikilala ng mga testigo na nakitang naglipat ng duguang babae mula sa isang Nissan juke patungo sa pulang CRV na narekober ng pulisya noong nakaraang linggo sa Batangas City. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us