Presyo ng itlog sa Agora Market sa San Juan City, bahagyang tumaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ramdam na ng ilang mamimili sa Agora Market sa San Juan City ang patuloy na pagtaas ng presyo ng itlog.

Ito’y kasunod na rin ng babala ng Philippine Egg Board Association na mananatiling mataas ang presyuhan ng itlog habang papalapit ang Pasko.

Ayon sa ilang mamimiling nakapanayam ng Radyo Pilipinas, kapansin-pansin na anila ang upsizing sa bentahan ng itlog.

Tila hindi na akma sa sukat ang presyuhan ng itlog dahil ang dating medium size ay lumiit pa habang ang dating large na itlog ay nagmistulang medium naman.

Gayunman, tinatangkilik pa rin ito ng mga mamimili dahil sa bukod sa mura ay isa ito sa mga pangunahing inihahain sa hapag kainan lalo na sa almusal at baon din ng mga bata sa eskuwela.

Sa ngayon, mabibili ang small size na itlog sa halagang P7.75 kada piraso, ang medium P8 kada piraso, ang large ay P8.50 habang ang extra large naman ay P9 kada piraso.

Gayunman, ayon sa Egg Board, asahan nang bababa ang presyo ng itlog sa pagpasok ng susunod na taon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us