Palalakasin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pakikipagtulungan sa walong (8) public hospital sa Misamis Oriental.
Plano ng DSWD na palawakin pa ang mga serbisyo at benepisyo sa mga ospital sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Katunayan, isang memorandum of agreement (MOA) ang nilagdaan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian at Misamis Oriental Governor Peter Unabia tungkol sa proyekto.
Sa ilalim ng MOA, ang DSWD ang magbibigay ng financial assistance sa pamamagitan ng guarantee letters sa eligible beneficiaries.
Ibabase ito sa assessment at recommendation ng DSWD social workers at local social work at mga development officer ng local government units.
Ang mga ospital ay matatagpuan sa munisipalidad ng Magsaysay, Talisayan, Claveria, Balingasag, Alubijid, Initao at Manticao at sa Gingoog City. | ulat ni Rey Ferrer