Pulis na suspek sa pagkawala ni Ms. Grand Philippines 2023 Candidate Catherine Camilon, humarap kay PNP Chief Acorda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humarap na kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Benjamin Acorda Jr. si Police Major Allan De Castro, ang pulis na sinasabing karelasyon umano ni Ms. Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon ng Batangas.

Ito ang kinumpirma ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Police Major General Romeo Caramat Jr. matapos ipatawag ni Acorda si De Castro.

Ani Caramat, inamin ni De Castro sa PNP chief na kilala niya ang biktima at mayroon silang naging relasyon nito sa kabila na rin ng pagiging may asawa nito.

Humingi rin ng tawad kay Acorda si De Castro dahil nakaladkad ang pangalan ng buong organisasyon sa kaniyang personal na problema.

Kasunod nito, pinayuhan ng PNP chief ang pulis na si De Castro na harapin ang kinahaharap nitong kontrobersiya bilang isang lalaki at patunayan kung inosente nga ba talaga siya.

Gayunman, sinabi ni Caramat na hindi na nagsalita pa si De Castro nang tanungin kung may kinalaman ba ito sa pagkawala ni Camilon.

Kasalukuyang nasa restrictive custody ng Police Regional Office 4A o CALABARZON sa Camp Vicene Lim sa Calamba, Laguna si De Castro.

Bagaman wala pa ring nakikitang “signs of life” ni Camilon, hindi pa rin bumbitiw si Caramat sa pag-asang matatagpuan pa rin ito ng buhay.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us