Puting kabaong at mga bungo yari sa karon na tila totoo, atraksyon ngayon sa isang pribadong sementeryo sa Naga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-uunahan para magpakuha ng kani-kanilang mga larawan gamit ang mga celfones sa isang puting kabaong at mga bungo na gawa sa karton, mga paniki at mga sapot na tila isang haunted house na ngayon ay sentro ng atensyon at libangan ng mga bisita at mga dumalaw sa kanilang mga yumaong mga kapamilya.

Nagpasya ang naturang pamunuan ng pribadong sementeryo na bigyan ng Halloween Treat ang kanilang nga bisita ngayong gabi sa pamamagitan ng isang konsiyerto at mga photo ops at naka-costume na mga trabahante ng memorial park.

Ang tila malungkot at tahimik na okasyon ay bubuhayin ngayong gabi sa pamamagitan ng mga performers na magsisilbing entertainer ng mga dumalaw na pamilya sa naturang sementeryo.

Ang ganitong estilo ng pagsalubong sa gabi ng Undas dito sa Naga City sa isang memorial park ay bago at pinakaunang masasaksihan.| ulat ni Rhoneil Peñaflor| RP1 Naga City

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us