Road reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila, isasagawa ng DPWH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ng road reblocking at repairs sa ilang kalsda sa Metro Manila ang Department of Public Works and Highways (DPWH), simula mamayang gabi.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang road repairs mamayang alas-11 ng gabi, November 10 hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, November 13.

Limang kalsada ang isasaillaim sa repairs kabilang dito ang:

1. EDSA (southbound) makalampas ng Malibay Bridge tapat ng Shell Gasoline Station (outer lane), Pasay City

2. EDSA (northbound) sa pagitan ng G. Don Vicente Ang St. hanggang Gen. Evangelista St. (2nd lane mula sa sidewalk), Caloocan City

3. Rizal Ave. Exit. (NB) sa pagitan ng 11th Ave. at Bustamante St. (1st lane)

4. C-5 Road Ugong sa kahabaan ng Lanuza Ave. at Casa Verde Townhomes, Pasig City

5. Mindanao Ave. (NB) sa kahabaan ng Mindanao Ave. Tunnel, Quezon City

Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala ang kanilang biyahe sa mga nabanggit na oras ng gagawing pagkukumpuni ng kalsada. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us