Iginagalang ni San Jose del Monte City Representative Rida Robes ang desisyon ng mga residente ng lungsod na manatili bilang component city ng Bulacan ang bayan.
Sa nakaraang October 30 plebescite, nanaig ang ‘No’ vote para gawing Highly Urbanized City ang SJDM.
Aniya, bagaman nabigo ang tuntunin na kanilang sinuportahan, ay tinatanggap aniya nila ang kalooban ng sambayanan.
Makakaasa naman aniya ang mga taga-San Jose Del Monte na magtutuloy-tuloy ang kanilang pagpapaunlad sa naturang bayan.
“Ito ang diwa ng ating demokrasya, at makaaasa po kayo sa aming puspos na pagtataguyod. Tuloy pa rin ang pagpupunyagi namin na paunlarin ang lungsod, ibigay ang serbisyo sa kabila ng pagkabigo nating makuha ang HUC status ng aming lungsod,” sabi ni Robes.
Nasa 820,385 na Bulakenyo ang bumoto tutol sa pagdeklara sa San Jose Del Monte bilang Highly Urbanize City habang 620,707 lamang ang bumoto pabor dito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes