San Juan City LGU, naglunsad ng mga programa kaalinsabay ng pagdiriwang ng National Childrens’ Month

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang State of the Children Address sa kanilang lungsod, kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month.

Sa kaniyang mensahe, tiniyak ni Zamora ang patuloy nilang pagtataguyod sa mga pangangailangan at karapatan ng mga batang Pilipino.

Ang tema ngayong taon ay “Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for All,” .

Sinabi ng Alkalde na tumatalima sila sa itinakda ng United Nations Convention on the Rights of Children na mga programa para sa mga bata na naka-angkla sa right to life and survival; development; protection; at participation.

Paliwanag niya, mayroon silang komite na nagtitiyak na hindi mabibiktima ng human trafficking ang mga bata.

Aniya, mayroon silang libreng check-up sa mga buntis, counselling sa pangangailangan ng mga buntis, pagbibigay ng libreng bakuna sa mga bata, suporta sa edukasyon, at pagbibigay boses sa mga kabataan at paghihikayat sa kanila na maging aktibo sa komunidad.

Samantala, naghandog din ng iba’t bang serbisyo ang San Juan City LGU gaya ng libreng medical check-up at vitamins para sa mga bata, libreng legal assistance sa mga bata na biktima ng pang-aabuso, Persons with Disability Registration sa mga bata at on-site national ID registration para sa mga batang edad lima pataas

Nagkaroon din ng libreng pakain at palaro sa mga bata.

Nabatid na kinilala ang lungsod ng San Juan bilang “Child-Friendly Local Government Unit” ng Department of the Interior and Local Government sa 2023 Urban Governance Exemplar Awards. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us