Tumugon ang apat na mga kumpanya at ahensya ng pamahalaan sa panawagan na magkaroon ng sapat at malinis na tubig ang bansa.
Ito ang nagkakaisang pahayag ng Metro Manila Waterworks and Sewerage System, Maynilad Water Services Inc., Manila Water Company Inc at Luzon Clean Water Development Corporation matapos ang matagumpay na pag-host nila sa 19th Asia Water Council na ginawa sa Maynila.
Kapwa nila tiniyak ang pagtutulungan para sa institutional support, technical support at knowledge brokering para sa maayos na suplay ng tubig sa Luzon at iba pang panig ng bansa.
Dumalo sa naturang Asia Water Council Board Meeting ang Pangulo nitong si Seog Dae Yun kung saan tinungo din nila ang Angat Hydro Power Plant na isa sa mga pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Luzon.
Nagkaroon din siya ng bilateral meeting sa mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagtutulungan ng Pilipinas at South Korea na may kinalaman sa mga proyekto sa suplay ng tubig. | ulat ni Michael Rogas