Customize Consent Preferences

We use cookies to help you navigate efficiently and perform certain functions. You will find detailed information about all cookies under each consent category below.

The cookies that are categorized as "Necessary" are stored on your browser as they are essential for enabling the basic functionalities of the site. ... 

Always Active

Necessary cookies are required to enable the basic features of this site, such as providing secure log-in or adjusting your consent preferences. These cookies do not store any personally identifiable data.

No cookies to display.

Functional cookies help perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collecting feedback, and other third-party features.

No cookies to display.

Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics such as the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.

No cookies to display.

Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.

No cookies to display.

Advertisement cookies are used to provide visitors with customized advertisements based on the pages you visited previously and to analyze the effectiveness of the ad campaigns.

No cookies to display.

Senyor Agila Jey Rence Quilario at 12 pang Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) members, nai-turn over na sa NBI mula sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalis na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang contempt order laban sa apat na lider ng Socorro Bayanihan Services Inc (SBSI) kabilang ang sinasabing lider ng grupo na si Jey Rence Quilario alyas Senior Agila.

Kabilang pa sa mga kasama ni Senyor Agila na inalisan na ng contempt order ay sina Mamerto Galanida, Janeth Ajoc at Karren Sanico.

Itinurn-over na sa NBI ang apat at ang siyam na iba pang SBSI members kasunod ng warrant of arrest na inilabas laban sa kanila.

Matapos sumailalim sa physical check-up, ay inilabas na ng Senate building ang 13 kung saan sila binasahan ng miranda rights at saka pinosasan ng NBI.

Dadalhin ang labing tatlo sa building 14 ng NBI facility sa Bilibid.

Una dito sa naging pagdinig ng Senate panel, sinabi ni DOJ Undersecretary Nicholas Felix Ty na ngayong umaga lang inilabas ng judge sa kaso ang warrant of arrest laban sa labing tatlong respondent sa kaso.

Kabilang sa mga kasong kakaharapin nila ay 9 counts ng qualified trafficking in persons na non-bailable; 8 counts ng child abuse; at 4 counts ng kasong may kaugnayan sa child marriage.

Sa ngayon, dahil nasa Surigao del Norte ang kaso ay may petisyon na ring inihain sa Korte Suprema na ilipat sa Manila ang paglilitis sa kaso.

Ayon sa prosecution, ito ay dahil nangangamba kasi ang mga witness sa kanilang buhay at kaligtasan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us