SP Migz Zubiri, tiniyak na magkakaroon ng adjustment sa Confidential and Intelligence fund ng mga ahensya ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tatanggalan ng Confidential and Intelligence Fund (CIF) ng Senado ang civilian agnecies na hindi dapat tumanggap nito.

Ayon kay Zubiri, bago pa man magdesisyon ang Kamara na tanggalan ng CIF ang ilang civilian agencies ay pinag-uusapan na nila ito sa Senado.

Kaugnay nito, ibinahagi ng Senate leader na magkakaroon ng caucus ang mga senador para talakayin ang usapin tungkol sa CIF bago mag-Miyerkules.

Maglalabas rin aniya ng report si Senate Committee on Finance Chairperson Senador Sonny Angara tungkol sa mga amyenda sa CIF ng government agencies.

Sinabi rin ni Zubiri, na dapat ilagay na lang sa line-item budget o kaya sa maintenance and other operating expenses (MOOE) ng ilang civilian agencies ang hiling nilang CIF.

Ito ay para aniya sumailalim pa rin ito sa proseso ng auditing ng Commission on Audit (COA).

Muli ring tiniyak ni Zubiri, na dadagdagan ng Zenado ang CIF ng ilang security agencies gaya ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA). | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us