Itinatanggi ng Social Security System (SSS) na na-hack ang kanilang system.
Ito ay matapos na iulat ng mga SSS member ang bagsak na employer portal ng ahensya tuwing sila ay magla-log in.
Ayon kay Vangie Diamitas ng Communications Department ng SSS, walang hacking na nagaganap.
Sinabi pa ng SSS, hanggang kaninang alas-3:29, Nobyembre 7, 2023, nananatiling operational ang website ng SSS.
Sa panig ng Department of Information and Communications Technology (DICT), sinabi ni DICT Spokesperson Aboy Paraison, na kanila na ring inaalam ang napaulat na hacking.
Nakatanggap lamang sila ng impormasyon hinggil sa pagkakaroon umano ng hacking sa system ng SSS. | ulat ni Rey Ferrer