Suporta sa gobyerno. Ito ang unang hiling ni Vice President Sara Duterte sa mga Pangasinense sa naging pagbisita nito sa lalawigan ng Pangasinan upang pangunahan ang Office of The Vice President Gift-giving sa bayan ng Binalonan at lungsod ng Urdaneta.
Sa naging mensahe ni VP Sara, hinimok nito ang mga residente na ibigay ang suporta sa mga bagong halal na officials, mga konsehal, Mayor, Vice Mayor at sa mga kawani ng gobyerno.
Aniya kapag nagkakaisa sa likod ng gobyerno, may makikitang tuloy tuloy na kaunlaran sa kanilang lugar.
Habang nakiusap din ang pangalawang pangulo na huwag suportahan ang mga taong pilit ginugulo ang kanilang lugar o mga taong may masamang balak sa kanila at sa kanilang pamilya tulad na lamang ng mga kriminal, terorista, NPA, mga nagbebenta ng iligal na droga, mga swindler dahil ito aniya ang magdadala ng kaguluhan sa lugar.
Dapat aniya ay nasa likod ang mga ito ng mga kapulisan at AFP at iba pang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Education upang makita ang mapayang pamumuhay para sa kapayapaan ng komunidad.|via Verna Beltran | RP1 Dagupan