Arestado na ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa pananaksak sa isang pulis sa Police Station 9.
Kinilala ni Station Commander Police Lieutenant Colonel Ferdinand M. Casiano ang suspek na si Brian Boldero, 37 taong gulang at residente ng Agham Road, Quezon City.
Nauna rito, rumesponde bandang alas-2:40 kaninang madaling araw ang mga tauhan ng police station 6 sa isang stabbing incident sa Tent City Pook Arboretum, Brgy. UP Campus.
Inaatake ng saksak ni Boldero ang isang Francisco Naquita sa lugar.
Nang-aawatin ng mga pulis ang suspek, binalingan niya ang mga pulis na nagresulta sa pagkakasaksak sa isang pulis.
Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation, at agad na naaresto ang suspek. Nakuha dito ang combat knife.
Kakasuhan si Boldero ng serious physical injury at direct assault na may kasamang frustrated homicide. | ulat ni Diane Lear